PhilHealth, nagkapagbayad na ng kabuuang P700M utang sa Red Cross

Nasa P700 milyon na ang nabayarang utang ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa Philippine Red Cross (PRC).

Ayon kay PhilHealth spokesperson Rey Baleña, target nila na makapaglabas ng P100 million kada linggo hanggang sa tuluyang mabayaran ang natitira pang P377 million na utang sa PRC.

Pinasalamatan naman ni Baleña ang PRC matapos nitong ipagpatuloy ang kanilang COVID-19 testing operations kasunod ng paunang P500 milyong ibinayad ng PhilHealth noong October 27.


Una nang hinimok ni PRC chairperson Senator Richard Gordon ang PhilHealth na agad magbayad ang balanse nito para hindi magpatung-patong muli ang kanilang utang.

Iginiit din ni Gordon na hindi mukhang pera ang PRC kasunod ng naging batikos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa humanitarian organization.

Facebook Comments