PhilHealth, nagpalabas ng opisyal na pahayag kaugnay ng pagsasampa ng kaso ng NBI laban sa mga opisyal ng PhilHealth kaugnay sa isyu ng IRM

Welcome at walang tutol ang pamunuan ng PhilHealth kaugnay sa isinampang kaso kamakailan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Office of the Ombudsman laban sa siyam na kasalukuyang opisyal ng naturang ahensiya kaugnay sa isyu ng pondo ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM) na nakalaan para sana sa Healthcare Facilities Nationwide bilang bahagi ng pagtugon sa COVID-19.

Ayon kay President and CEO Atty. Dante Gierran, ngayong nakarating na sa tanggapan ng Ombudsman ang mga isinasangkot na opisyal ay mayroon ng oportunidad na marinig naman ang kanilang mga panig at maipagtanggol ang kanilang mga sarili laban sa naturang akusasyon.

Tinitiyak ng pamunuan ng PhilHealth sa publiko na ang kaso na naisampa ay hindi makakaapekto sa operasyon sa ahensiya at umaapela sa lahat na ipauubaya na lamang sa kinauukulan ang pagbibigay ng patas na paghuhusga sa mga nasasangkot.


Nakiisa naman ang PhilHealth sa lahat na umaasa na mabibigyan ng hustisya ang mga inosente at mananagot naman sa batas ang mga nagkasala.

Facebook Comments