Philhealth, Nagsagawa ng Tatlong Araw na UHC EXPO para sa mga Senior Citizens ng Isabela!

*Cauayan City, Isabela -* Nagsasagawa ng tatlong araw na EXPO ang Philhealth Region 2 para sa mga miyembro ng Senior Citizen dito sa lalawigan ng isabela.

Ito ay may kauganayan sa usapin ng Universal HealthCare program ng pamahalaan.

Ayon kay Gng. Arsenia Torres,Assistant Vice President ng Philhealth Region 2 layunin ng nasabing aktibidad na ipaalam,at ipaunawa sa mga myembro ng senior citizen dito sa isabela ang kanilang mga benepisyo sa bagong batas tungkol sa UHC.


Sa naturang programa, ipanaliwanag sa mga ito kung paano at ano ang mga benepisyong matatanggap at pakikinabangan ng mga lolo at lola sa naturang batas.

Pinangunahan ni City Mayor Bernard Dy at Vice Mayor Bong Dalin ang naturang aktibidad katuwang ang Philhealth Region 2.

Inihayag ng punong lungsod sa kanyang talumpati na mas malaki at maganda ang mga benepisyong matatanggap ng mga matatanda sa Universal Healthcare Program ng pamahalaan kayat dapat umanong maintindihan upang magamit sa tama.

Dagdag pa niya na malaki ang maitutulong ng Information dissemination na ginagawa ng Philhealth hinggil sa nasabing batas sapagkat matapos ang mahaba habang pagtatrabaho ng mga lolo at lola sa pamahalaan maging sa pribado ay nararapat din na suklian ng gobyerno at para maalalayan sila sa kanilang mga gastusin sa pangangalaga ng kanilang kalusugan.

Ang aktibidad ay nagsimula ngayong araw at magtatapos sa October 11, taong kasalukuyan sa FLDy Coliseum dito sa lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments