PhilHealth, nagtaas ng benepisyo para sa neonatal sepsis at asthma sa harap ng pagtaas ng kaso ng naturang mga sakit

Inanunsyo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pagtaas nito ng benefit package para sa mga mako-confine para sa neonatal sepsis at hika.

Sa harap ito ng pagtaas ng bilang ng mga pasyenteng nako-confine sa naturang mga sakit.

Ayon kay PhilHealth President and CEO Emmanuel Ledesma Jr., epektibo May 1,2024, ang benefit package na para sa neonatal sepsis ay P25,793 mula sa dating P11,700 kung saan 120% ang itinaas nito.


Habang ang bronchial asthma in acute exacerbation mula sa P9,000 ay ginawa na itong P22,488, matapos itong taasan ng 150%.

Batay sa report ng World Health Organization, tatlo sa sampung pasyente sa buong mundo na may neonatal sepsis ang namamatay.

Sa Pilipinas, itinuturing na leading causes ng neonatal deaths ang sakit na neonatal sepsis na common sa mga sanggol na 28 days old pababa.

Facebook Comments