PhilHealth, nakikipag-ugnayan na sa mga ospital para sa mabilis na pagbabayad ng benefits claims

Nakikipag-ugnayan na ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa mga ospital sa bansa para mapabilis ang pagbabayad sa benefits claims ng mga ito.

Ayon kay PhilHealth Vice President for Corporate Affairs Shirley Domingo, tuloy-tuloy ang kanilang pakikipag-usap sa mga opisyal ng Philippine Hospital Association at Private Hospital Association of the Philippines (PHAPi).

Aniya, nagdodoble kayod na sila para sa pagproseso ng mga claims na ang karamihan ay COVID-19 testing at mga claim na hindi pa kumpleto ang dokumento.


Tiniyak naman ni Domingo na tinututukan nila ang lahat ng polisiya at hinahanapan ng mga solusyon para mapabilis ang pagpapalabas ng pondo sa mga ospital.

Una ng sinabi ng PhilHealth na nakapagbayad na sila ng P166 billion para sa 13.6 million claims o 76.4 percent ng 18 million claims na kanilang natanggap noong June 30, 2021.

Facebook Comments