Saudi Arabia, kukuha ng mas maraming Pinoy Nurse – DFA

Kinumpirma ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. na nag-alok ang Kingdom of Saudi Arabia na kumuha ng mas maraming Pilipino nurse.

Ito ang inanunsyo Locsin matapos ang pakikipag-usap niya kay Saudi Foreign Minister Adel Bin Ahmed Al-Jubeir kaugnay ng bilateral relations ng dalawang bansa.

Ayon kay Locsin, layon nito mabigyan ng magandang trabaho at mas ma-develop ang kanilang kakayahan.


Una nang sinimulan ng Saudi Arabia ang pagbabayad sa mga pamilya ng health workers na nasawi sa COVID-19 kung saan makatatanggap ng $133,000 ang bawat isa.

Facebook Comments