PhilHealth, nanawagan sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon sa social media

Todo ang panawagan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa publiko, na huwag agad maniwala sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon sa social media.

Ito’y may kaugnayan pa rin, sa insidente ng hacking sa sistema ng PhilHealth o ang medusa ransomware.

Ayon sa PhilHealth, hindi umano sila tumigil simula noong Biyernes upang linisin ang mga apektadong workstation at maibalik sa normal, kung kaya nagbabala ito sa ilang sektor at grupo na tigilan na ang misleading information na nagdudulot ng panic at pagkawalang tiwala ng mga member nito at ng publiko.


Pagtitiyak ng ahensya na ligtas at hindi naapektuhan ang claims at membership data.

Ngayong araw din ay naibalik na at pwede ng ma access ang tatlong sistema ng PhilHealth gaya ng corporate website, member portal at e-claims.

Samantala, binigyang diin rin ng Philhealth na paparusahan nila at mananagot ang mga nagkulang sa nasabing insidente.

Facebook Comments