Nangako ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na babayaran nila sa loob nang anim na buwan ang higit ₱25 billion halaga ng claims ng mga pribadong ospital.
Ayon kay PhilHealth President Dante Gierran, kasalukuyan nang pino-proseso ang ₱25.45 billion na bayad sa mga ospital sa ilalim ng Debit-Credit Payment Method.
Kasunod nito, nakikipag-ugnayan na rin ang PhilHealth sa mga partner hospitals para sa reimbursements ng mga claim at para malaman kung may iba pang mga isyu.
Sa ngayon, umabot na sa ₱12.06 billion ang pondo na nailabas ng PhilHealth sa mga ospital sa ilalim ng Debit-Credit Payment Method.
Facebook Comments