Phase 2 ng limited face-to-face classes sa mga nasa Alert Level 3, pinasisimulan na ng CHED sa katapusan ng buwan

199

Pinagsisimula na ng Commission on Higher Education sa Enero 31 ang phase 2 ng limited face-to-face classes sa mga kolehiyo sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3.

Sa isang pahayag, sinabi ng CHED na ito ang inirekomenda sa kanila ng public health services team ng Department of Health sa kabila ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Samantala, anumang araw ay maaari na anilang magsimula ang mga unibersidad at kolehiyo ng kanilang limited face-to-face classes para naman sa mga nasa ilalim ng Alert Level 2.


Idinagdag pa ng CHED na hindi na requirement ang aplikasyon sa kanilang tanggapan para magsagawa ng limited face-to-face classes at kinakailangan lamang na may kakayanan ang mga ito na magpatupad ng health and safety protocols.

Facebook Comments