PhilHealth, nilinaw na ang DOH at CHED ang nag-obliga na kumuha ang mga mag-aaral ng medical insurance bago makasali sa face-to-face classes

Nilinaw ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na sumusunod lamang sila sa joint memorandum ng Department of Health (DOH) at Commission on Higher Education (CHED) hinggil sa pag-oobliga sa mga mag-aaral na magbabalik na sa face-to-face classes na magparehistro sa ahensya o sa ibang health insurance company.

Ayon kay PhilHealth Vice President for Corporate Affairs at Spokesperson Dr. Shirley Domingo, layon nito na maprotektahan ang mga mag-aaral sakaling tamaan sila ng COVID-19 o ng iba pang sakit.

Aniya, hindi na rin magiging masyadong abala para sa mga estudyante kung mao-ospital ito sa panahon ng face-to-face classes.


Kailangan lamang aniyang magparehistro ng mga estudyanteng edad 21 pataas para makasama sila sa database ng PhilHealth at mapadali ang pag-access sa mga benepisyo.

Paliwanag pa ni Domingo, sa ilalim ng Universal Health Care Law, ang lahat ng mga Pilipino ay otomatikong miyembro na ng PhilHealth.

Facebook Comments