Nilinaw ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na tuloy-tuloy ang kanilang pagbabayad ng COVID-19 related claims sa mga pribadong ospital.
Ito ay matapos ang panawagan ng ilang private hospitals na napipilitan na silang umutang dahil hindi pa sila nababayaran ng PhilHealth.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni PhilHealth Spokesperson Shirley Domingo na gumagamit na sila ng debit-credit payment method para mapabilis ang pagkuha ng claims ng mga ospital na maraming COVID-19 patients.
Kaugnay nito, tiniyak din ni Health Secretary Francisco Duque III na tinutugunan ng pamahalaan ang apela ng mga ospital hinggil sa unpaid COVID-19 claims.
Facebook Comments