Para kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, dapat munang mag-leave of absence ang mga opisyal ng PhilHealth na isinasangkot sa katiwalian.
Ayon kay Drilon, ito ay para hindi sila magkaroon ng access sa mga dokumento na kailangan sa mga imbestigasyon na isinasagawa ng mga mambabatas at anti-corruption bodies.
Ipinaliwanag ni Drilon na karamihan sa mga anomalyang naisiwalat sa pagdinig ng Senado ay mangangailangan ng mga dokumento mula sa ahensya bilang ebidensya.
Diin ni Drilon, mahalaga na ang mga imbestigador ay magkaroon ng full access sa nga dokumento upang mapigilan na ito ay palitan o galawin para makaligtas ang mga totoong nasa likod ng anomalya sa PhilHealth.
Facebook Comments