PhilHealth President and CEO Ricardo Morales, itinanggi ang mga alegasyon sa kaniya

Itinanggi ni Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) President and CEO Ricardo Morales sa pagdinig ng Kamara ang mga alegasyon nang nagbitiw na si Anti-Fraud Officer Atty. Thorrsson Montes Keith laban sa ahensya.

Matatandaang kahapon inihayag ni Keith sa imbestigasyon sa Senado ang mga anomalya sa loob ng ahensya na kagagawan umano ng mafia o sindikato sa loob, kung saan ₱15 billion ang halaga ng mga umano ay nakurakot na ng mga ito.

Sa pagdinig ng House Committee on Public Accounts, sinabi ni Morales na walang katotohanan ang mga akusasyon laban sa kanila ni Keith.


Giit nito, nagbitiw sa pwesto si Keith matapos na hindi makuha ang hinihingi niyang posisyon sa ahensya dahil sa hindi kwalipikado.

Ibinulgar din ni Morales na natanggal sa Philippine National Police (PNP) si Keith matapos na mag-Absent Without Leave (AWOL) noong 2014 .

Bukod dito, may kinakaharap din na apat na sexual harassment cases si Keith na hindi na idinetalye pa ni Morales.

Facebook Comments