PhilHealth President Ricardo Morales, pinayuhan ng doktor na mag-leave habang sumasailalim sa chemotherapy

82

Nagpadala ng medical certificate sa Senate Committee of the Whole ang doktor ni PhilHealth President Ricardo Morales.


Nakasaad sa medical certificate na may lymphoma si Morales at sumasailalim sa chemotherapy.

Ayon sa doktor, kailangang kumpletuhin ni Morales ang serye ng treatment kaya pinayuhan niya muna itong mag-leave of absence o magpahinga sa trabaho.

Ang Senate Committee of the Whole na pinamumunuan ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ay ang siyang nagsasagawa ng pagdinig ukol sa mga anomalya sa PhilHealth.

Facebook Comments