DOLE Sec. Bello, Bumisita sa Isabela para sa pagbibigay ng ayuda sa TUPAD Workers

25

Personal na bumista si DOLE Secretary Silvestre “Bebot “Bello III sa Isabela particular sa Bayan ng Ramon upang ipamahagi ang wage payout para sa programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD kaninang umaga.


Umaabot sa mahigit 600 TUPAD workers ang nabigyan ng sahod kasabay ng pamimigay ng isang sakong Isabela Rice at Vitamic C mula sa Provincial Government na dinaluhan din Gov. Albano at Vice-Gov. Dy.

Namahagi naman ng Certificate of Eligibility si Sec. Bello para sa dalawampung (20) benepisaryo ng Negosyo sa Kariton (Nego-Kart) Project na katumbas ay tulong pinansiyal na P20,000 bawat benepisaryo bilang DOLE starter kit.

Dumalo din sa TUPAD wage payout sina LPGMA Partylist Cong. Alan Ty at iba pang kinatawan ng distrito ng Isabela.











Facebook Comments