PhilHealth SVP for Operations, nagbitiw dahil sa delicadeza; PhilHealth President, aminadong kalat ang katiwalian sa ahensya

Bukod sa makasama ang pamilya at estado ng kalusugan ay isa rin ang delicadeza sa dahilan kaya nagbitiw si Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) Senior Vice President for Operations Augustus De Villa.

Sa pagdinig ng Senado ay inamin nito, na kaliwa’t kanang katiwalian ang naririnig niya habang siya ay nanunungkulan sa PhilHealth na hindi umaayon sa kaniyang dignidad, integridad at malinis na konsensya.

Pigil ang pag-iyak nang sinabi ni De Villa na dapat patuloy na malayang makapagtrabaho sa PhilHealth ang mga walang kasalanan habang dapat ay maparusahan ang mga mapapatunayang sangkot sa mga anomalya.


Inamin din ni De Villa na pinunit nya ang ilang pahina ng resolusyon na may pirma nya kaugnay sa pagbili ng PhilHealth ng overpriced na I.T. System nang malaman ang iregularidad.

Sa pagdinig ay inamin naman ni PhilHealth President Ricardo Morales na systemic o kalat na sa buong PhilHealth ang katiwalian at hindi ito kayang linisin sa loob ng isang taon o kahit pa tatlong taon.

Paliwanag ni Morales, nagkamali sya ng kalkulasyon sa panahon na dapat maitatag ang IT System para maresolba ang katiwalian.

Facebook Comments