Isang lalaki, pinagbabaril sa bahagi ng EDSA-Timog Avenue, Quezon City

58

Isang hindi pa nakikilalang lalaki na sakay ng isang van ang maswerteng nakaligtas matapos na pagbabarilin sa bahagi ng EDSA-Timog Avenue, Quezon City kanina.


Sa inisyal na report ng Police Station 10, sakay ng van ang lalaki at pagsapit sa kanto ng Timog, dito na siya pinagbabaril ng hindi pa matukoy na salarin.

Nakakuha ang mga imbestigador ng apat na basyo ng bala ng caliber .45 sa lugar ng pamamaril.

Isinara ang dalawang lane ng North-Bound EDSA habang pinoproseso na ng SOCO ang pinangyarihan ng shooting incident.

Facebook Comments