Tiniyak ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na tuloy-tuloy ang kanilang pagbabayad ng utang sa mga ospital sa bansa sa pamamagitan ng debit-credit payment method (DCPM).
Ayon kay PhilHealth Vice President for Corporate Affairs at Spokesperson Dr. Shirley Domingo, tatlong beses na silang nagbayad sa pinagkakautangan nilang mga ospital.
Aniya, tuloy-tuloy rin ang kanilang pakikipag-ugnayan ng kanilang regional offices sa mga ospital para magsagawa ng reconciliation meeting.
Sa ilalim ng DCPM, 80 percent ng pagkakautang ng PhilHealth sa mga ospital ang babayaran at ang 20 percent ay ibabayad kapag nakumpleto na ang requirements o proseso ng mga kailangang dokumento.
Facebook Comments