Pinaiimbestigahan na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mga naiulat na may mga pasyenteng idinideklarang COVID-19 ang sakit na asthma upang makakuha ng malaking benepisyo sa health insurance.
Nagagalak ang PhilHealth sa mga nagpo-post ng mga video na nagbibigay ng karagdagang pruweba at nakikipag-ugnayan sa kanilang isinasagawang imbestigasyon.
Nagbabala ang PhilHealth na kapag napatutunayang totoo ang mga ito, malinaw na isa itong panloloko at may kaakibat na parehong multa na ₱200,000 bawat kaso o kaya ay suspension of contract hanggang 3 taon sa health care provider, o parehong multa at suspensyon.
Nagpaalala rin ang PhilHealth sa publiko na ang pagprotekta sa pondo ng ahensiya ay responsibiidad din ng bawat miyembro nito, kung saan umaapela sila sa lahat na makipagtulungan sa ahensya at isumbong kasama ang mga ebidensiya upang agad nilang magawan ng kaukulang aksyon.