Wala pang natatanggap na report ang pamunuan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na mayroon ng pasyente ng Coronavirus Disease (COVID-19) na kanilang miyembro.
Ayon kay PhilHealth President Ricardo Morales, mula pa noong January 30 ngayong taon ay handa na ang kanilang ahensya para tumugon sa kanilang miyembro na apektado ng COVID-19.
Aniya, may nakalaan na 14,000 pesos ang PhilHealth para sa mga sasailalim sa 14-day quarantine.
Maliban dito, aniya, sasagutin din ng PhilHealth ang mga secondary illness tulad ng pneumonia na dulot ng nasabing virus.
Sinabi rin niya na retroactive ito, ibig sabihin kahit ang mga tao na nakasama sa dati sa Person Under Investigation o PUIs bagel ito ipa tupad ay makakabenepisyo pa rin.
Kung sakaling magkaroon ng vaccine, aniya, maaaring isama nila ito pero hindi pa nila ito tiningnan dahil hindi pa naman ito available.