Philippine Air Force, mas pinalakas pa ang kanilang kooperasyon sa US military sa pamamagitan ng Mutual Defense Board Security Meeting

Dumalo si Philippine Air Force Commanding General Lt. Gen. Connor Anthony Canlas sa annual Mutual Defense Board Security Engagement Board Meeting na ginanap sa Camp H.M. Smith, Hawaii kamakailan.

Ayon kay Col. Ma. Consuelo Castillo, Chief, Air Force Public Affairs Office layon ng pulong na patatagin pa ang relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos.

Natalakay rito ang bilateral preparations sa pagitan ng 2 bansa partikular sa training, capability-building sa paglaban sa terorismo gayundin sa transnational crime, cyber security, humanitarian assistance and disaster relief, at iba pang national security interest issues.


Kasunod nito nagkasundo ang Philippine at US militaries sa 500 cooperation activities na magtatapos sa 2023.

Kabilang dito ang active participation sa air, land, sea, joint and bilateral/ combined exercises kasama ng ating allies.

Samantala, kasama sa mga dumalo mula sa delegasyon ng Pilipinas si LtGen. Bartolome Vicente Bacarro, Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff habang sa US delegation naman ay kinatawan ito ni Admiral John Aquilino, pinuno ng U.S. Indo-Pacific Command.

Facebook Comments