May air installation at base development command o AIBDC na ginawa ang Philippine Air Force sa kanilang Multi-Purpose Gymnasium sa Col Jesus Villamor Air Base sa Pasay City.
Ayon kay Philippine Air Force Spokesperson Lt. Col. Maynard Mariano, sa pagtatag nito ay pinagsama-sama sa ilalim ng iisang command ang iba’t ibang mga airbase group at wing na nangangasiwa sa operasyon ng kani-kanilang mga base.
Paliwanag ni Mariano, ang mga airbase group o wing ay dating nasa ilalim ng mga major air units na nag-ookupa sa bawat airbase, at ang pag-reorganize sa isang hiwalay na command ay para sa streamlining ng pag-develop ng mga airbase ng Air Force.
Sa isinagawang reorganization, ang 520th Airbase wing sa Villamor Airbase ay ginawang 520th Airbase Group na nasa ilalim ng AIBDC, kasama ang 550th Airbase group sa San Fernando Airbase, 540th sa Basa Airbase 530th sa Zamboanga, at 570th sa Palawan.
Ayon kay Mariano, sa hinaharap ay isasama na rin sa AIBDC ang engineering wing.
Itinalaga naman bilang Officer-in-charge ng AIBDC si BGen. Michael Lorenzo, ang dating commander ng 520th Airbase wing.