Philippine Air Force sa Cauayan City, Nakikiisa sa nangyaring Suicide Bombing sa Sulu!

Cauayan City, Isabela- Patuloy ang pagdadalamhati sa hanay ng Philippine Air Force Tactical Operations Group 2 sa Cauayan City, Isabela kaugnay sa nangyaring suicide bombing sa Probinsya ng Sulu na ikinasawi ng tatlong sundalo at ikinasugat naman ng siyam na katao mula sa 1st Brigade Combat Team, Philippine Army noong Hunyo 28, 2019.

Sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay First Lieutenant Cynthia Banisal ng Tactical Operations Group 2, nakikisimpatya ang kanilang hanay sa nangyaring bombing sa grupo ng militar kung kaya’t ang lahat ng kampo sa bansa ay nakahalf -mast bilang pagrespeto sa mga nasawi sa nangyaring insidente.

Aniya, nagsimula pa noong lunes (July 1, 2019) ang isinagawang half-mast sa bandila ng Pilipinas na magtatapos naman ngayong araw


Patuloy naman iniimbestigahan ng mga otoridad ang nangyaring insidente sa mismong kampo kung saan nangyari ang suicide bombing sa Bayan ng Indanan, Sulu.

Facebook Comments