Philippine Airforce, Nangangailangan ng Karagdagang Opisyal!

*Cauayan City, Isabela-* Puspusan ngayon ang paghikayat ng pamunuan ng Tactical Operations Group 2 (TOG2) Cauayan City sa mga nagnanais maging opisyal ng Philippine Airforce.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Airwoman 2nd Class Joy Bermudez ng TOG2 sa programang Sentro Sebisyo ng RMN Cauayan.

Ang mga aplikante ay dapat natural na Pilipino, walang asawa at anak, may taas na 5 feet, graduate ng baccalaureate degree, may edad na hindi bababa sa 21 at hindi lalagpas ng 29 taong gulang ngayong taon.


Magdala lamang anya ng mga dokumento gaya ng photocopy ng Transcript of Record (TOR), PSA birth certificate, dalawang piraso na 2×2 picture at application form na sasagutan mismo sa tanggapan ng TOG2.

Kasalukuyan pa rin ngayon ang pagtanggap ng naturang hukbo para sa mga aplikante at nakatakda ang pagsusulit sa darating na March 6-7, 2019 sa mismong tanggapan ng TOG2, Cauayan City, Isabela.

Sa mga may katanungan ay maaari lamang mag text o tumawag sa kanilang numero na 0975-331- 2839.

Facebook Comments