Mula sa tatlong beses kada linggo na flight ng Philippine Airlines (PAL) patungong Pagadian, Zamboanga del Sur, magiging limang beses na kada linggo ang biyahe nila sa nasabing destinasyon epektibo sa August 25, 2020 (Martes).
Layon nito na maka-accommodate ng mas maraming pasahero patungo ng Pagadian City.
Ayon kay PAL Spokesperson Ma. Cielo Villaluna, mula sa kasalukuyang biyahe nila kada na Martes, Huwebes at Linggo, magkakaroon na rin sila ng karagdagang flight sa Pagadian kada Miyerkules at Sabado.
Aniya, ang Flight PR 2783 ay aalis ng Manila ng 11:00 AM at darating sa Pagadian ng 12:45 PM.
Habang ang pabalik ng Manila ay aalis ng Pagadian ng 1:25 PM at dadating sa Manila ng 3:05 PM.
Plano rin ng Philippine Airlines na gawing araw-araw ang kanilang flight sa Cagayan de Oro mula sa kasalukuyang apat na beses sa isang linggo.