Philippine Airlines, maghihigpit na sa malalaking portable electronic devices sa eroplano

Manila, Philippines – Maghihigpit na ang Philippine Airlines sa Portable Electronic Devices (PED) sa flights nila patungong Amerika at Vancouver, Canada.

Partikular ang devices na mas malaki sa cellphone tulad ng laptop, tablet, cameras, portable DVD players at iba pa.

Ang hakbang ng PAL ay kasunod ng direktiba ng US Homeland Security kung saan ito ay epektibo hanggang June 30, 2018.


Layon nito na matiyak ang integridad ng lahat ng portable devices.

Exempted naman sa Redundancy Screening Checkpoint ang medical devices ng mga pasaherong may karamdaman.

Facebook Comments