Binalaan ng Philippine Airlines (PAL) ang publiko na maging maingat sa kumakalat na pekeng online site na nag-o-offer ng murang online booking pagkatapos ng community quarantine.
Ayon sa PAL, hindi dapat magpadala ang publiko sa alinmang online sites na naghihingi pa ng personal na impormasyon sa mga bank accounts at social media.
Dapat na rin anilang magtaka ang mga ito kung umaabot na lang sa 80 pesos ang one-way domestic fare na kanilang singil dahil hindi na ito awtorisado ng Philippine Airlines.
Pinayuhan naman ng PAL ang sinumang mabibiktima ng scam na makipag-ugnayan agad sa mga otoridad para mahuli ang salarin.
Facebook Comments