Vice Ganda, sinermunan ni Pastor Apollo Quiboloy

1752

Ginawang jumping board ng self-proclaimed Appointed Son of God na si Pastor Apollo Quiboloy ang pagpapahinto sa traffic sa EDSA at pagpapatigil sa operasyon ng ABS-CBN network para hiyain si Vice Ganda.

Ayon kay Quiboloy, kung ipapahintulot man na ibalik sa ABS-CBN sa ere, dapat na gamitin ni Vice sa mabuting bagay ang mga ibinigay na biyaya dito.


Hindi dapat niya ito iwaldas sa panlalait sa mga tao dahil may Diyos na nagbabantay sa lahat ng ating ginagawa.

Matatandaang hinamon ni Vice si Quiboloy noon na ipatigil ang traffic sa EDSA na natuloy naman dahil sa ipinatupad na quarantine sa buong Metro Manila.

Habang nawala naman nitong May 5, 2020 ang teleserye na Ang Probinsyano matapos ipasara ng National Telecommunications Commission (NTC) ang ABS-CBN dahil sa issue ng franchise renewal.

Facebook Comments