Philippine Airlines, tiniyak na ASF-free ang kanilang in-Flight Meals  

49

Tiniyak ng pamunuan ng Philippine Airlines (PAL) na ang mga ibinibigay nilang pagkain o in-flight meals sa mga pasahero ay ligtas mula sa African Swine Fever (ASF).

Sa statement ng PAL, ang kanilang Catering Service Providers ay bumibili ng karne mula sa professional meat suppliers na sumusunod sa highest standards ng meat quality at handling.


Mayroon din silang Organized Disposal System para sa mga tirang pagkain o food waste at hindi ito ginagamit bilang swill feed o kaning baboy.

Facebook Comments

From Advertisers