Vice President Leni Robredo, bibisita sa Australia

128

Tumulak patungong Sydney, australia kagabi si Vice President Leni Robredo.

Ito ay para dumalo sa event na inihanda ng Australia-Philippines Business Council.


Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, tatalakayin dito ni Robredo ang tungkol sa ‘Women in Business.’

Bibisitahin din ni Robredo ang Filipino Community doon.

Ang biyahe ni Robredo sa Australia ay galing sa kanyng personal fund.

Inaasahang babalik ang Bise Presidente sa bansa sa Sabado.

Facebook Comments