Manila, Philippines – Pina-aalalahanan ng Philippine Airlines ang kanilang mga pasahero na magprisinta ng isang valid identification sa kanilang airport check – in at pre – flight boarding.
Para sa domestic flights, kailangang magprisinta ang pasahero ng isang government issued ID tulad ng:
Passport (Philippine and Foreign issued) , Driver’s License, Phil. Regulations Commission ID, SSS Card, GSIS e-card, Voter’s ID,
Integrated Bar of the Philippines ID, Seaman’s Book , Government Office ID, ACR / ICR, Company ID, Government-owned or controlled corporation ID, Unified Multi-purpose ID, NBI Clearance, Police Clearance, Senior Citizen Card, Postal ID, TIN Card, Barangay Certification, Health Insurance Card ng Bayan, OWWA ID, OFW ID, National Council of Disability Affairs ID, DSWD Certification, School ID (signed by Principal), NSO Birth Certificate (for pax less than 2 years of age)
Para naman sa international flights, kailangang magpakita ng passport ng pasahero sa kanilang pag-check in at sa pre-flight boarding.
Ito ay bahagi ng seguridad na pinatutupad ngayon ng Philippine Airlines.
Umaasa naman ang Philippine Airlines sa kooperasyon ng bawat pasahero.
DZXL558, Joyce Adra