Kinumpirma ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. na nasa bansa na si Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro.
Ayon kay Locsin, kagabi lamang dumating sa bansa si Mauro matapos itong pauwiin ng kalihim matapos makunan ng video footages na sinasaktan nang paulit-ulit ang kanyang household staff.
Kinumpirma naman ni Locsin na sa ngayon ay wala pang isinusumiteng sinumpaang salaysay ang household staff na sinasabing minaltrato ni Mauro.
Sa usapin naman kaugnay ng sinabi ni Senator Miguel Zubiri na isusulong niya ang pagkakaroon ng karagdagang budget para sa DFA para sa paglalagay ng CCTV cameras sa mga Embahada ng Pilipinas at sa mga tirahan ng Filipino diplomats sa abroad, sinabi ni Locson na hindi nila kailangan ng karagdagang budget.
Aniya, may sapat na pondo ang DFA para rito.