Philippine Ambassador to China, dapat pauwiin na dahil sa panggigipit sa mga mangingisdang Pilipino

Umapela ang pinakamalaking Labor Coalition sa bansa kay Pangulong Rodrigo Duterte na irecall o pauwiin na ang Philippine Ambassador to China bilang diplomatic protest sa patuloy na pagiging arogante at panggigipit ng China sa mga Pilipinong manlalayag.

Ito ay matapos ang insidente noong Sabado, November 20 kung saan itinaboy ng Chinese navy ang Philippine private Pilatus PC-12 aircraft na patungong Pag-asa Island sa Munisipalidad ng Kalayaan.

Ayon sa Nagkaisa Labor Coalition, paulit-ulit na pinagbabawalan ng China ang mangingisda ng Pilipinas na makapaglayag sa sariling teritoryo sa West Philippine Sea.


Kasunod nito, iaakyat na anila ang naturang usapin sa susunod na United Nations (UN) General Assembly upang igiit ang ating 2016 Arbitral Award na pinawawalang bisa ang 9-dash line claim ng China.

Facebook Comments