Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez at Permanent Representative of the Philippines to the UN Antonio Manuel Lagdameo, lusot na sa CA

Lusot na sa Commission on Appointments ang pagkakatalaga nina Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez at Permanent Representative of the Philippines to the United Nations Antonio Manuel Lagdameo.

Sa pagharap sa CA, kinumpirma ng mga mambabatas ang appointment nina Romualdez at Lagdameo pero hindi naman naisalang sa deliberasyon si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo dahil sa kakulangan ng oras.

Si Romualdez ay second cousin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ay ambassador sa Amerika simula pa sa panunungkulan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.


Nasa hurisdiksyon din nito ang Jamaica, Haiti, Trinidad and Tobago, Antigua and Barbuda, The Bahamas, Barbados, Dominica, The Federation of Saint Kitts and Nevis, Saint Vincent and Grenadines, at Saint Lucia.

Habang si Lagdameo naman ay naging ambassador ng bansa sa United Kingdom bago ang appointment nito sa kasalukuyang administrasyon.

Siya ang tatay ni Special Assistant to the President Anton Lagdameo.

Facebook Comments