Nagsagawa ng apat na araw na pagsasanay ang mga tropa ng Philippine Army at US Army Pacific (USARPAC) sa pagtugon sa mga chemical, biological, radiological, nuclear (CBRN) exercise sa Fort Magsasaysay, Nueva Ecija.
Bahagi ito ng ika-37 na RP-US Joint Military Balikatan Exercise 2022 mula March 28 hanggang April 8.
Ang CBRN exercise ay isa sa 8 interoperability drills para sanayin sa pinagsanib na operasyon ang mga sundalong Pilipino at Amerikano.
Ang CBRN Battalion ng Philippine Army at ang kanilang counterparts sa USARPAC ay nagsagawa ng mga lecture at practical exercises para tumugon sa CBRN attack.
Ang Baliktan 2022 ang pinakamalaki sa kasaysayan ng taunang pagsasanay militar ng Pilipinas at Estados Unidos, na nilahukan ng halos halos 9,000 sundalo mula sa dalawang bansa.