Presidential aspirant Senador Ping Lacson, nanghihinayang sa boto sa hindi karapat-dapat na kandidato

227

Nanghihinayang si Presidential aspirant Senador Panfilo “Ping” Lacson na masasayang lang ang boto kung ito ay mapupunta lamang sa hindi karapat-dapat na kandidato.

Ito ang naging pahayag kagabi ni Lacson sa kaniyang closing statement sa isinagawang ikalawang Presidential debate ng Commission on Elections (COMELEC).

Ipinunto pa ni Lacson na palagi niyang naririnig na sayang daw ang boto sa mas kwalipikado dahil baka hindi lang manalo.


Subalit nilinaw ni Lacson na ang totoong sayang na boto ay para sa hindi karapat-dapat manalo at sa mga magnanakaw na dapat walang karapatang maluklok sa pwesto.

Dagdag pa ni Lacson na mahal niya ang bayan at handa siyang ipagtanggol ang bansa laban sa mga dayuhang mananakop at sa mga may kapangyarihan na nagsasamantala sa mga kapos-palad na mga kababayan.

Facebook Comments