Philippine Army, hinamon ang PNP-BARRM na patunayan ang alegasyong sangkot sa droga ang isa sa mga sundalong napatay ng mga pulis sa Jolo, Sulu

Hinamon ngayon ni Philippine Army Commanding General Lieutenant General Cirilito Sobejana si Philippine National Police – Bangsamoro, officially the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PNP-BARMM) Regional Director PBgen. Manuel Abu na patunayang sangkot sa iligal na droga si Army Corporal Abdal Asula.

Si Cpl. Asula ay isa sa apat na sundalo na napatay ng mga pulis sa tinaguriang Jolo Shooting incident noong June 29, 2020.

Ito ay matapos na iprisinta ni BGen. Abu sa pagdinig sa Senado nang nakalipas na Miyerkules ang isang Drug Matrix kung saan kabilang ang ilang mga kamag-anak ni Cpl. Asula, na umano’y basehan para masangkot si Asula sa iligal na droga.


Ayon kay Sobejana, ang burden of proof ay na kay Brigadier General Abu at kailangang mapatunayan niya ang kanyang mga alegasyon.

Sinabi ni Sobejana noong siya pa ang commander ng Western Mindanao Command, pinaimbestigahan na niya ang “tsismis” na sangkot sa droga si Corporal Asula, pero wala namang nakita sa imbestigasyon.

Giit ni Sobejana na sa panig ng Philippine Army ay awtomatiko nilang tinatanggal ang sinumang sundalong napatunayang may kinalaman sa iligal na droga.

Dagdag pa nila maraming intersection ang kalsada sa edsa kayat tiyak lalo lamang magiging magulo ang sitwasyon.

Facebook Comments