Philippine Army, in-airlift ang isang sugatang sundalo na biktima ng pagsabog ng IED sa Albay

Dinala ng Philippine Army sa Kampo Aguinaldo ang isang sugatang sundalo mula Legazpi City, Albay.

Ayon kay Army Chief Public Affairs Col. Xerxes Trinidad, biktima si Corporal Roger Villares ng 49th Infantry Battalion ng pagsabog ng improvised explosive device sa Oas, Albay noong February 15 kung saan nasawi sa nasabing insidente ang isa pang sundalo matapos umatake ang tereroristang CPP-NPA.

Si Corporal Villares ay una nang dinala sa Bicol Regional Hospital and Medical Center bago mailipat sa AFP Medical Center sa Quezon City makaraan syang i-airlift ng Bolkow air ambulance.


Pagkatapos mailipat sa Aguinaldo, dinala rin ng second Bolkow chopper ang apat na miyembro ng pamilya ng sugatang sundalo.

Samantala, sinabi naman ni Army Commanding General Lt. Gen. Romeo Brawner Jr., na prayoridad nila ang kaligtasan ng mga sundalo kung kaya’t gagawin nila ang lahat upang mailigtas ang mga ito mula sa panganib.

Facebook Comments