Philippine Army, inilunsad ang kauna-unahang Air Ambulance

Inilunsad ng Philippine Army ang kanilang kauna-unahang air ambulance para sa mabilis na pagdadala ng mga sugatang sundalo sa ospital.

Ang air ambulance ay isang “reconfigured” Bolkow helicopter ng Army Aviation Regiment na may sariling medical team.

Ayon kay Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Romeo Brawner Jr. na mahalaga ang buhay ng bawat sundalo kaya pinapahusay ng Philippine Army ang kanilang kapabilidad sa casualty evacuation.


Ang pahayag ay ginawa ni Brawner matapos saksihan ang demonstration flight ng air ambulance sa Fort Bonifacio, na bahagi ng mga aktibidad sa pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng Philippine Army.

Ayon naman kay Army Chief Nurse Col. Maria Victoria Juan na malaking tulong pagkakaroon ng “Aeromedical Evacuation Capability” dahil 90% ng combat fatalities ay nangyayari bago madala sa pinakamalapit na ospital ang mga sugatang sundalo.

Facebook Comments