Senator Dela Rosa, sobrang nadismaya sa pagkasangkot ng ilang pulis sa pagkawala ng mga sabungero

Bilang dating hepe ng Philippine National Police (PNP) ay labis na ikinadismaya ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang pagkakasangkot ng ilang pulis sa pagkawala ng 34 na mga sabungero.

Ayon kay Dela Rosa, nakakadismaya na may mga pulis pa rin tayong dini-Diyos ang pera kaysa kanilang tsapa.

Sabi ni Dela Rosa, sa simula pa lang ay kinakatakutan niya na baka nawawala na ang ninja cops at napapalitan na ng e-sabong cops.


Si Dela Rosa ang chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na nag-iimbestiga sa pagkawala ng mga sabungero at master agent na konektado sa e-sabong.

Facebook Comments