Philippine Army, nagsasagawa na rin ng imbestigasyon sa pagbaril at pagpatay ng isang pulis sa dating miyembro ng army sa QCP sa QC

Iniutos na ni Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Gilbert Gapay sa Army Judge Advocate na magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon kaugnay sa pagbaril at pagpatay ng isang pulis sa kanilang dating miyembro na si Private First-Class Winston Ragos sa quarantine control point (QCP) sa Quezon City kamakalawa.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Ramon Zagala, makikipag-ugnayan ang mga miyembro ng Army Judge Advocate sa Philippine National Police (PNP) para sa gagawing imbestigasyon.

Nais, aniya, nilang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng dati nilang kasamahan at nakikiramay rin sa pamilya ng nasawing dating sundalo.


Aniya, November 2017 si Private First Class Ragos ay binigyang ng complete disability discharge mula sa military service matapos na magtamo ng sugat hindi lamang pisikal maging mental disorder dahil sa mga pinagdaang giyera.

Mula 2017, tumatanggap siya ng kumpletong pension at iba pang tulong mula sa gobyerno.

Kaya nalulungkot ang buong hanay ng Philippine Army sa pagkamatay ng isang bayani na kahit wala na sa serbisyo ay patuloy na lumalaban dahil sa mental problems.

Facebook Comments