
Sa gitna ng ingay sa politika ngayon bunsod ng pagkaka aresto kay dating dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Muling nagpaalala ang Philippine Army sa lahat ng tauhan nito na manatiling non-partisan.
Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Louie Dema-ala bilang non-partisan ang kanilang institusyon, ipinagbabawal sa lahat ng mga sundalo ang pagsali sa anumang aktibidad na may kinalaman sa pulitika.
Gayundin ang pagbibigay ng pampublikong opinyon ukol sa mga isyung pampulitika.
Sinabi pa ni Dema-ala na ang sinumang nais maghayag ng kanilang personal na pananaw o saloobin sa politika ay dapat munang magbitiw sa tungkulin o talikuran ang kanilang pagiging sundalo.
Paliwanag ni Dema-ala layon nitong mapanatili ang integridad ng Philippine Army.
Sa kabila nito, nananatiling pokus ang Philippine Army sa pagprotekta sa soberanya ng bansa nang may disiplina at propesyonalismo.