Pagsisikapan ng bagong talagang Philippine Army commanding general na si Major General Romeo Brawner ang pagkakaroon ng payapa at maayos na halalan sa susunod na taon sa buong bansa.
Ayon kay Maj. Gen. Brawner, alam niyang maibibigay ang mga pangangailan ng kanyang mga tauhan sa field units nationwide para mas matiyak na payapa at maayos ang resulta ng halalan.
Kaya naman ngayon pa lang mayroon na silang mga plano upang mas maging epektibo ang lahat ng miyembro ng Philippine Army sa pagtupad nang kanilang mandato.
Ilan sa target ng Philippine Army ay ang mawakasan ang local communist armed conflict bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Si Brawner ay pumalit kay Lt. Gen. Andres Centino na umupo naman bilang ika- 57 AFP Chief of staff ng bansa.