Philippine Army, tumulong na rin sa pagsasagawa ng clearing operations sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Florita

Nagtutulong-tulong ang Philippine Army troops, reservists at Reserve Officers Training Corps (ROTC) cadets sa pagsasagawa ng clearing efforts sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Florita.

Ayon kay Col. Xerxes Trinidad Army Public Affairs chief ang mga reservists mula sa 201st Community Defense Center ng 2nd Regional Community Defense Group at ang 201st Ready Reserve Infantry Battalion ay sama samang tinanggal ang mga naglalakihang puno na bumuwal sa ilang kalsada sa Cagayan.

Habang ang 5ID naman ay nagkasa din ng clearing operations aa ilang lugar sa Isabela, Cagayan at Apayao provinces.


Samantala ang mga reservists at ROTC cadets mula sa 202nd Ready Reserve Infantry Battalion ay tumulong sa paghahanda noong kasagsagan ng bagyo nang mapaglilipatan o matutuluyan ng mga apektadong residente sa Ilagan city.

Ang 17th Infantry Battalion, 5th Infantry Division, katuwang ang local government responders ay namahagi naman ng family food packs sa Cagayan at Pudtol sa Apayao.

Ayon kay Trinidad, mandato nila sa ilalim ng Philippine Reservists Act (Republic Act 7077) na magpadala ng reserve units para tumulong sa relief at rescue efforts tuwing panahon ng kalamidad o sakuna.

Facebook Comments