Lider ng isang gun-for-hire group, arestado

107

Arestado ang lider ng isang gun-for-hire group at kasama nito kasunod ng engkwentro sa Barangay San Roque, Rosario, Batangas.

Sa report na nakarating sa Kampo Krame, kinilala ang mga suspek na sina Eleazar Gupit Rocio, alyas Isat, top 1 regional most wanted para sa murder na iniuugnay sa gun-for-hire at iba pang ilegal na aktibidad.

Habang kinilala ang kasama nito at miyembro ng grupo na si Leandro Reynosa Guerra.


Isisilbi sana kay Rocio ang Warrant of Arrest pero natunugan nito ang presensya ng mga pulis kaya tumakas sakay ng isang SUV hanggang mapadpad sa taniman ng tubo at pinaputukan ang mga pulis.

Agad namang gumanti ng putok ang mga pulis kung saan tinamaan sa tiyan si Rocio.

Nakuha sa suspek ang Glock 9mm pistol at caliber .45 pistol kung saan inihahanda na ang patong patong na kaso laban sa mga suspek.



Facebook Comments