Philippine Army, tumutulong na rin sa disaster and relief operations sa mga lugar na matinding tinamaan ng lindol

Nakikiisa ang Philippine Army sa pamamagitan ng 5th Infantry Division sa mga Humanitarian and Disaster Relief Operations na isinasagawa ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa mga lugar na naapektuhan ng malakas na lindol kaninang umaga.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Xerses Trinidad, dalawang squad mula sa 24th Infantry Battalion ang dineploy para tumulong sa mga biktima sa Bangued, Abra.

Kabilang dito ang Abra Provincial Disaster Risk and Reduction Management Office (PDRRMO), Philippine National Police (PNP) at iba pang responders.


Nakaalerto rin aniya ang mga disaster response team ng iba’t ibang army units sa Northern Luzon sa gitna ng babala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa possibleng mga aftershocks.

Facebook Comments