DSWD Secretary Tulfo, nakarating na sa Abra para sa assessment sa pinsala ng 7.0 na magnitude na lindol

142

Nakarating na si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo sa Abra at magtutungo na sa episentro ng lindol sa naturang probinsya.

Katatapos lang ng kaniyang briefing sa mga provincial local government unit heads, mga provincial officials at iba’t ibang ahensiya roon.

Sumakay ng chopper si Secretary Tulfo upang makapagsagawa ng aerial inspection para makita ang lawak ng pinsala ng malakas na lindol.


Kasabay ng pagbisita ay nagpamahagi ang kalihim ng mga family food packs at financial assistance sa mga apektadong pamilya.

Nakahanda naman na ang Emergency Operations Center (EOC) ng Benguet para ayudahan ang mga naapektuhan ng lindol.

Facebook Comments