Philippine at US Army, palalakasin pa ang ugnayan ng dalawang bansa

Napagkasunduan ng Philippine Army at United States Army na mas lalo pang palakasin ang ugnayan at interoperability ng kanilang mga pwersa.

Ito ang napag-usapan sa pagpupulong ni Philippine Army Chief Lt. Gen. Romeo Brawner Jr. at United States Army Chief of Staff Gen. James C. McConville, sa pagbisita ng Amerikanong Heneral sa Philippine Army Headquarters sa Fort Bonifacio kahapon.

Dito ay tiniyak ni Gen. McConvill ang commitment ng Estados Unidos na makipagtulungan sa Pilipinas sa pagtataguyod ng isang bukas at malayang Indo-Pacific Region.


Kapwa naman nagpahayag ng kasiyahan ang dalawang heneral sa matagumpay na pagdaraos ng ika-8 SALAKNIB Joint exercise sa pagitan ng Phil. Army at US Army Pacific at ika-38 BALIKTAN Joint exercise sa pagitan ng AFP at US Military.

Bilang bahagi ng kanyang pagbisita sa bansa, una na ring nakipagpulong si Gen. McConville kay Department of National Defense Officer-in-Charge Senior Usec. Carlito G. Galvez Jr. at AFP Chief of Staff Gen. Andres C. Centino.

Facebook Comments