BuCor personnel, nagsimula nang magsanay sa pagsusuot ng body camera

Sinimulan na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pagsasanay sa kanilang mga tauhan sa pagsusuot ng body cameras bilang bahagi ng reporma.

Sinabi ni Jail Senior Inspector Angelina Bautista, Deputy Director General for Operations ng BuCor na paunang 20 personnel ang isinalang sa training sa paggamit ng makabagong body camera.

Lahat aniya ng personnel na gagamit nito ay matutukoy ang lokasyon sa pamamagitan ng live streaming at video recording na mapapanuod sa TV screen sa command center.


Aniya, ang gagamiting gadgets o mobile phones bilang body camera ay ang mga nakumpiska sa mga bilanggo.

Facebook Comments