Nakilahok ang Philippine Army sa isinagawang site survey ng mga lugar na pagdarausan ng Balikatan 2023 military exercise sa pagitan ng Philippine at US military.
Ang apat na araw ng pag-inspeksyon sa iba’t ibang mga venue ng ehersisyo sa Northern Luzon ay sinimulan nitong Agosto 22 hanggang Agosto 26.
Susundan ito ng isang planning conference sa susunod na linggo sa pagitan ng mga team ng Philippine at US military sa Armed Forces of the Philippines Education, Training and Doctrine Command sa Camp Aguinaldo.
Nabatid na ito na ang ika-38 balikatan exercise na idaraos ngayong taon.
Inaasahang kabilang sa isasagawang sabayang pagsasanay ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo ang Field Training Exercises, tampok ang live fire exercises at military urban operations.